Pinoy, Pinay, ‘Pinas
Ating butil lahi, sisidlan ng ating lipi
Sa ating karikit na gunita
Silbing luha bagkos sa buhay na sumawi
Tatlumpung dekada, ikinubli, winasak, tinapatan
Akala ni Juan, umalpas na yaring mga kalaban
Nang itatwa tayo ng mga banyaga
Bagong karimlan pala’y handa ng pumuga.
Singkit ang yumakap, yumurak at naghatol
Sa paraisong, ikinubli ng matagal na kahapon
Oh, liwanag kailan ka nga ba aamo?
‘Tila takipsilim nanaman ang magigi kong amo.
Ginipit, Inipit, Dinusta
‘Yaring singkit mas malala pa pala
Buhay ang binabawi, walang tigil ang pag-uha!
Sa ama, sa ina, sa anak sa mga kapwa kong na-aba!.
Ang pagkaka-ipit sa halos pusikit na karimlan
Ang sumintensya sa kakarampot na karapatan
Mahabang lakaran, walang kabayaran
Ang dusa at sugat sa hapis kong katawan.
Pagpatay, pagbitay, O berdugo mong kamay
Hanggang kailan ba ito, yao naming pag aalay
Dagat at dugo, hindi na mapag sino, Ano ang ano?
Ang paghihintay ko ba’y sinlayo na ng abo.
Mga inang nagsisitangis sa dinaranas na pighati
Sintang bayan ko, O tiisin ang lahat ng mga tiisin
Sa mga ulila at balo sa mga bilanggong lupagi
Minamahal kong ‘Pinas, saglit at ngingiti din ang api.
Saklolo, Saklolo, Maawa kayo!
Samyo nitong Umaga, Oh! Bakit hindi?
Patanglawan, buwan ma’y humihikbi
Kailangan na ang pag-kilos, tara sa may puti
Kaibigang ibayo, tulong mo’y aking hiling.
Sa bartolinan ng piitang kapuluan
Heto ang puti, iniabot yari nilang pag-alwan
Pagkalag sa posas, balato nila sa inang bayan
Oh! Kay sarap ng buhay, ‘pag ibayo’y iyong katawan.
Sa himpapawid at parang, Laya na sanang sumasagwan
Nang may biglang humarang, sumaksak sa aking likuran
Bagong kabanta, sumisigaw! Wala na bang katapusan
Sila’y na liwanag, tuluyan na bang pumapanaw.
Ang pagka-ipit tila ‘di na matatapos
Sigarilyong tabako, kalian ba mauupos
Sa ating pag kilos na tungo sa paghulagpos
Kalabang mang-aapi, kailan ba mauubos.
Ano ba ang kailangan ng akala kong kaibigan
Bumaliktad at ngayo’y naniningil na ng pautang
Porsyentong hiling kay hirap na bitawan,
Ngunit aking gagawin dahil mahal ko itong bayan.
At sa wakas, Oh hiyas ng dagat-silangan
Ang paghiyaw ay tuluyan ng matutuldukan
Ibo’y lumipad, umalpas ng walng pag-aalinlangan
Malinis, walang hapis. Tunay ngang kalayaan.
Wagayway, Wagayway
Oh! Kay tagal kang hinintay.
Bandila kong simbolo ng matagal na pagka-himlay
Lupaing kasuyo ng buwan,
Ngayo’y kahit araw ay kumaway
Kay sarap ng amihan lalo’t di nakakamamatay.
Laying ngumiti, hiwaga’y pumipili
Liwas na pag-idlip, babangon bagong lipi
Sa mapa mo, ‘wag ipagkait si Juan ay masipi
At sa matagal na pagkapipi, hayo’t isigaw:
REPUBLIKA NG PILIPINAS
Magipit ma’y wala ng maka-aapi.
Ang korni talaga.
hehehehe:>
Pyesa ito na gagamitin sa aming sabayang pag bigkas.
at akalain mo ba namang ako ang gumawa niyan.
Sh*t.
Bagong Puna