MALING PAG KUMPAS

Isang estudyanteng nanliliit habang dinudusta ng lahat, ang nakatayo sa ibabaw ng entablado, takot at nanlalambot sa hiya. Pinipigilan ang sariling sumigaw ng “Curse, Ayoko ko na!!!”.

Ang pakiramdam ko’y nakulong ako sa isang panaginip kung saan ako ang biktima. Wala ako sa sarili, wala akong nauulirat, ang tangi ko lamang naaanyuan ay isang dalagang nakatungo habang umaawit ng ‘Lupang Hinirang’, isang matandang nakikisabay sa’akin sa pagkumpas at isang lupon ng mga mag-aaral na walang humpay sa pagtawa.

Natutunaw ako sa bawat segundong lumilipas, naninigas sa bawat minutong dumaraan at pilit na kinakapalan ang muka sa bawat oras na umaalpas.

Sa mga nanginginig na kamay at nanlalamig na palad, isang boses ang bumulong saakin, boses na ‘di ‘ko akalaing maririnig ko sa gayong pagkakataon at sa ganoong tono. “Don’t talk to me!. That’s what I’m telling you.. Nagmumuka kayong estupid sa harap”. Grabe hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, lalo tuloy nagpumilit sa isip ko kung gaano ko sinira ang programang pinaka-aabangan ng lahat, S*** sumisirit na ang luha sa mga mata ko. Mabuti na lamang at may banyo, doon lang ako nakahinga ng sama ng loob ko.

Wala ng pumapasok sa isip ko. Ano bang dapat kong gawin? Dapat ba akong humingi ng tawad sa mga taong nasaktan ng kabobohan ko, at para saan? Para sa pagiging tanga? Paano ko ba sasabihin ang lahat sa taong iniidolo ko na wala akong kwenta (di ‘ko na kilangan sabihin nakita na n’ya?)

Habang abala ang lahat sa panonood ng mga nagpeperform, nakatulala ako’t nag iisip, “Bakit ba kasi nagkaganun?”, “F*** S***”, ‘nag practice naman kami ahhh! “Para akong tuod na ewan sa harap ng maraming tao, sa harap ng mga kaibigan ko!”

Kaklase, kaibigan, guro at schoolmates, lahat sila….. lahat ay kumukumpas na ring kasabay ng aking pakatalo. Ang bawat pagpalo ng kanilang kamay ay sumisimbolo ng aking kabiguan… aking katangahan….

Ang sakit naman nito,… para tuloy akong namatayan ng kung pesteng parte ng buhay ko. Hayyy.. How I wish this feeling won’t stay for long… It hurts you know….

Siguro sa mga makakabasa nito iisipin n’yong kung anong sakuna o delubyo na ang inabot ko! Pero isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nagdadrama ngayon eh!.. Bad Trip na Lupang Hinirang ‘yan eh!, Kukumpasin ko na lang, ‘di ko pa nagawa…

Advertisements

~ ni tina sa Pebrero 25, 2008.

7 Tugon to “MALING PAG KUMPAS”

  1. awts. bakit ba ang lupit sa atin ng tadhana?

  2. awts talaga.
    ok lang yan.
    umiikot pa rin ang mundo.
    hindi lang tayo nakakasabay sa mga oras na to.
    gumagaling kang magsulat ha.
    kasi ba naman.
    dapat mas wide pa ang pagkumpas mo.
    LOL.

    PS

    Hindi ka tanga.
    Nagmukha ka nga lang sigurong ganun sa harap ng stage.
    Kaya mo yan, mas malakas ka pa sa kalabaw di ba?… hehe

  3. CHALKDUST’
    Wahahahaha! saakin lang!
    Bad trip ang sakit talaga!

    HUEMAY,
    Thank You sa pagpapalakas ng loob!
    Kahit medyo naka insulto
    lol
    Hurt ako kaya maganda!

  4. oo nga, gumagaling ka na nga sa pagsusulat.
    ang sakit naman sa kalooban ng ganyang pinagdaanan mo…

  5. Ah…. sa dulo ko na naintindihan ng buo. Yung tungkol pala sa pagkumpas ng pambansang awit. at maraming nanonood. at maraming tao. akala ko may punch line sa dulo after ng lahat ng kadramahan. mahirap yun. buti na lang hindi ko pa nararanasang mapahiya sa harap ng maraming tao. lakas ng loob ang kailangan diyan. hehehe.

  6. yabang mo talaga!!!
    sana naman nagpalakas ka ng loob diba!!!!
    sobra na nga yung kahihiyan ko lalo pang pinanalala eh!
    lalo nyo lang ako binibigyan ng reason para umiyak!!
    pero kahit ganun accepted q ang pagkakamali ko!!
    bobo nga kasi!

  7. auz lang un ate tinz…….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: