Eye Magnet

 

(Matapos ang Maling Pgkumpas)

Ang tao kahit anong saya laging may dinadamdam na problema! ‘yan ang sabi nila at naniniwala ako d’yan. Matapos ang delubyo ng Feb. 20, Nagmistula akong puppet na nagtitimpi ng bawat galaw. Pinipilit kong maging masaya sa kabilang ng sakit na nararamdaman ko, kahit hiyang-hiya… Smile parin! (Para ‘di halatang tense). Then maiisip ko na miss ko na s’ya… pero kaya ko pa. Sa dami ng pinagdaanan ko, I know I won’t be obliterated by this matter. Alam ko namang natural lang ang ganitong instance eh! Divah? Kahit na sobrang dyahe nga ng nangyari, ano pa nga bang magagawa ko kundi patuloy na sumulong. ‘Di naman pwedeng tumigil at magpadala na lang sa pangungutya ng karamihan.Ngayon pa ba ako bibigay? Ngayon pa kung kelan nakahanap na ako ng karamay: ‘yung bagong Miss Philippines… Friends na nga kami eh!

March 7, 2008.

Sa udyok ng mga kaibigan at sa sarili ko na ring kagustuhan marahil, pinilit kong ayusin ang problemang idinulot ng Feb. 20 wave. Sinubukan kong kausapin si Ma’am A** sa paghahangad na maayos na ang lahat. (Gusto ko rin kasing malaman ang eksaktong dahilan kung bakit s’ya nagalit). Mula sa Rizal High School hanggang sa Bagong Ilog at maging sa Ayala ay sinundan ko s’ya. Sinundan ko s’yang hindi ko alam ang purpose ko… San ba ako dapat humingi ng depensa? Sumugod ako sa gerang wala akong dalang bala, ‘ni armas man. ‘Pano na ‘ko nito. Nalilito ako kung paano ko uumpisahan ang lahat… at dala ng pagkalito ay ang tuluyan ko ng ngang pag kapipi. ‘Ni wala akong nasabi, buti pa s’ya nakapagsalita;

Ma’am A**: Bakit mo ‘ko sinusundan! (patuloy pa rin ako sa pag sunod) ….Dito’y gusto ng bumigay ng mga mata ko!

Tuluyan ng inanod ang mga sasabihin ko! At sa pangalawang pagkakataon na eye magnet nanaman ako! Wala na ‘ko sa tamang ulirat..Kusa ng lumalakad ang paa ko kahit wala pahintulot ng utak ko….

A few minutes is all i need! Pero I know na hindi s’ya makikipag-usap… Alam ko na naman ‘yun e, pero tinuloy ko pa rin….

Ma’am A**: ‘Wag mo na ‘ko sundan! ‘TIN ayoko kong makipag usap!

S*** hearing those words makes me weak! Tinigilan ko na s’ya, sabay bulong sa sarili “Gago ka kasi eh!” (May Sampal effect pa). Tapos sabay ngiti… “Si Ma’am talaga ‘di parin nagbabago!.. Then parang baliw na nagpunas ng luha..

Umuwi na ‘ko, Umuwi akong wala ng pag-asa, akala ko talaga tapos na ang lahat!

Kailangan ‘kong magpakatatag, sa bahay bawal mag pasok ng problema… Wala na kasing pagsisidlan ng luha dun eh!.. Lahat ng sulok okupado na….

Pasok ako sa pinto na parang wala lang… Nag bihis at nagcharge ng empty battery’ng phone….

 

1 MessageRecieve

2 Message Recieve

Tamad na tamad ako binuksan ang message!

Ma’am A** Ganda

Bigla akong kinabahan.. Ano kaya ang sinabi n’ya!

(‘Di masyadong Eksakto nag words)

Ma’am A** Ganda: ” Sa lahat ng ayoko ‘yung masyadong confident di naman prepared”

Ma’am A** Ganda: “Don’t dare follow me again, I don’t want to talk about things that had happen already, Everything is fine, ayoko ko lang makipag usap.

(Nagreply ako)

Tinapay: Sorry for messing up.

Ma’am A** Ganda: It’s over, I don’t want to talk about it, I don’t want any discussions either..

Tinapay: (May kapal pa ng muka!) Ibig sabihin po ba non pwede ko na ulit kayo kausapin tulad ng dati?

Ma’am A** Ganda: Ayoko makipag-usap ok. In time. huwag mo na ‘ko susundan at HUWAG NA HUWAG MO ‘KO SASABAYAN.

Tinapay: Good night po! Pasensya na sa istorbo. Miss you po!

Ma’am A** Ganda: ok

Ipinikit ko ang mga mata ko… sabay sigaw “bahala na nga si batman!”

March 8, 2008

Sabado kinabukasan. Pupunta kami ng U.P. Para kumuha ng awards sa U.P Saver Contest! (Akalain mo ‘yun.. Nanalo kami?)

Grabe hinde ko napigil ng makita ko si G**** na Pres. ng Speech Club, agad kong naikwento nag nangyari…..

Ang sakit grabe!! Gusto kong maiyak, but my eyes chooses not to… Na eye magnet nanaman ako.. ‘yung tipong mariing pikit na kung pahihintulutan ng pagkakataon ay ayaw ng dumilat…

Tapos na ang awarding…. Ang saya 3rd place ako sa Slogan Making…. Lumabas kami ng U.P. Campus na may kanya kanyang certificate, some even have medals.

To ended up.. We parted our ways by waves and smiles. Bababa na talaga ako ng Guadalupe kaso pinigilan ako ni J***; Samahan ko daw s’ya sa Ayala.. (Awarding din ng isa pa n’yang contest)

Since, wala naman akong gagawin kaya sumama na ako.

J***: Manong dito na lang po!

Wow ang bilis! ‘Di ko man lang napansing andun na pala kami.

Habang pababa ang bus unti-untimg gumuhit sa mga mata ko ang malakin bldg. ng PB Com. Natigilan ako na para bang ayaw ko ng tumuloy…

Napansin ko ang malagkit na tingin ni J***. Baka iniisip n’ya namangha ako sa lugar.. Heeeee! Kung alam lang n’ya ang inabot kong sakit dito kahapon lang!

Lintik na tadhana ‘to oh!. Hanep kung tumyming.. Swak na swak.. Ibalik ba daw ako sa lugar na iilang oras palang ay iniwan ko na.. lugar na gusto ko munang kalimutan.

Parang flashback ang lahat. Kahapon lang.. Nasa harap kos’ya! Pilit ‘kong binubura sa isip ‘ko ang lahat, pero makulit silang parang alikabok.. sumisingit kahit saan, lumulusot sa bawat butas.. ‘Di ako makatakas, bawat makita ‘koy pigura ng nanakit sa’akin.. Pero kailangang tiisin.. Ayoko ko ng umiyak!

Pagdating ng lunes, hindi ‘ko na pinigil pa ang sarili ‘ko.. Nagbuga na ako ng sama ng loob sa mga kaibigan ‘ko… Alam ‘kong maiintindihan nila ang lahat. (Parang diary ‘ko na sila na alam ang bawat detalye ng kilos ko.)

Alam nila ang lahat ng nangyayari. Alam nila na ayaw ko ng naasign sa kin sa program… Alam nilang ginusto kong sabihin kay Ma’am na ayoko pero hindi ko nagawa dahil alam kong magagalit s’ya… (kung alam ko lang na ganun ang mangyayari… sana pala hinayaan ko na lang na magalit sa ganoong paraan). Pinaractice ko ‘yon kahit ‘di halata.. Bago matulog at sa harap ng mga klasmeyts ko. Kahit muka kong tanga sa katatanong kung tama ba ang ginagawa ko, still… tinry ko… ang ‘di ko lang maintindihan bakit ganoon ang kinalabasan…

Lahat sila nagtaka rin na may kasamang kantyaw… kahit si E** na mismong kumanta nagtaka! Super chaka naman talaga kasi eh! Bakit ba kasi…. Siguro may galit sa’kin nung panahong ‘yun tapos pinakulam ako… Wahahaha! malaman ko lang kung sino s’ya kakalbuhi ko s’ya, tapos susunugin’ko legs n’ya tapos ipapakain’ko s’ya sa langgam. ‘Pag nagawa ‘ko ‘yun, siguro naman kwits na kami.

D*** HINDI KO ALAM KONG ANO ANG NANGYARI… WALA RIN AKONG SAGOT SA TANONG NG MARAMI… ANG ALAM KO LANG KINABAHAN AKO NG SOBRA! AT DAHIL SA KABANG ‘YUN I’M BOUND TO LOSE A VERY SPECIAL FRIEND……. HIRAP NUN DIVAH!KASI NAMAN ‘TONG ADRENALINE ‘KO NGAYON PA DI GUMANA EH!

After giving up everything, after doing all the best, after so much effort, still… I FAIL!

Advertisements

~ ni tina sa Marso 12, 2008.

13 Tugon to “Eye Magnet”

  1. hehehehe.

  2. Just always believe that there are really somethings things out of our control. If you do, you will find out that some things are meant to happen for a reason. Just wait. Soon, everything’s okay again. Stop thinking about it over and over again. You can do better not thinking about it. Trust me.

    naks… INGLISH… *noseblid*
    pero serious…
    bilang kaibigan…
    Tama na ang drama…
    graduation na…
    wahahahaha…

  3. Wag mo na nga siyang isipin. Pati ako nababaliw sa inyo e.
    Naku.
    Gagraduate na lang at lahat. ganyan pa.

  4. tama si chalk…
    buti ka pa chalk…
    chalk…
    chalk…
    CHALK…
    Wahahaha…
    chalk…

    nakakabaliw no!?

  5. ang cute naman nun, sinusundan mo si ma’am?
    congrats. second honorable.

  6. Jeff: Don’t worry everything is fine!
    ‘di ko na naman talaga iniisip un eh!
    Pero I’m still waiting!

    G****: Thanks sa bati!
    Cute ba!
    sana s’ya rin nacute-an!

  7. CD: Wahahahaha! kakabaliw ba! Yaan muna!

  8. wew…. cute aman ng layout mo… hehehe!

  9. talaga!
    salamat….. Prinsipe ka nga ng pangarap! wawawawa

  10. nyak… lupet ah! ui nga pala salamat sa pagdaan sa blog ko ha! me bago akong post!

  11. pare, wla kang bago?

  12. post post post! hehehe! demanding ba? hehehe!
    tnx sa pagbisita sa aking kaharian…

  13. tlagah ate.,??????
    cnundan mo cia.,????
    un pla un……..
    ayan alm qoh nah…….heheh…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: